Wow Good Job! SRP Program ng Gobyerno Para Sa Mga Rice Outlet, Nagsimula Na!

Sa kabila ng hirap na dulot ng inflation sa mga mamamayang Pilipino, masasabing hindi napapabayaan ng gobyerno na lumala ang sitwasyon at patuloy ito sa paghahanap ng iba’t ibang solusyon para maibsan ang patuloy na pagtaas ng mga pangunahing bilihin tulad na lamang ng bigas, petrolyo, at iba pa.

Pagbaba ng presyo ng bigas

Hindi na kailangan pang umaray ng mga mamimili dahil muli nang nagbaba ang presyo ng bigas. Sa isang post ni Jo Soliman, aniya ni Manny Pinol ay nag-uumpisa nang bumaba ang presyo ng bigas sa merkado. Hindi lamang yan, nagpatupad na din ng standard na paglalagay ng mga malinaw na deskripsyon ng mga bigas upang hindi magkaron ng pagkalito sa mga mamimili.

Ang mga pagbabago sa bawat retail outlet ng mga bigas ay inaasahan sa Greater Manila Area at sa buong Metro Manila. Kasama ng post ni Sec Pinol ay mga larawan mula sa mga lokal na retail outlets sa Commonwealth Market na kung saan makikitang ang pagkakahiwalay at malinaw na deskripsyon kung ano ang imported, local, at special rice.

Maganda balita ding makita ang ngayong pagbabago sa preyso ng NFA na ngayon ay pumapatak na lamang sa 27 pesos, ang well milled imported rice ay 38 pesos at ang local rice ay 47 pesos na lamang. Samantala, ang mga bigas na binebenta kamakailan na pumalo sa pinakamataas, 65 pesos ay naglalaro na lamang sa 43 pesos per kilo.

Napakalaking tulong ng SRP Program na ipinatupad ng gobyerno upang iwasan ang mga nananamantalang negosyante na nasa industriya ng bigasan. Mahigpit ang pagbabantay ngayon ng gobyerno ukol sa usaping ito.

Paghuli sa mga profiteers

Isa din sa dahilan ng pagbaba ng presyo ng bigas ay ang puspusang paghuli sa mga profiteers o sa mga hoarders na nagtatago ng libo-libong kaban ng mga bigas sa mga warehouse. Dalawang malaking buwaya ang nasabat ng gobyerno, dahilan umano para tumigil ang patuloy na pananamantala sa mga ordinaryong mamimili.

Tatak Duterte

Ikinatuwa ng mga netizen ang magandang balita, na kung saan naging mas sentralisado din ang paghahatid ng mga balita na kung saan ay pinatunayan na totoo ngang bumaba ang presyo ng bigas sa maraming lugar. Bagaman hindi pa masyadong laganap, umaasa naman ang marami na mapapatupad na din ang nasabing programa sa buong bansa.

Ang Post

“Change has started!

LOWER PRICES, ORDERLY STALLS

IN RICE OUTLETS STARTING TODAY

There will be a dramatic change in the set up of rice retail outlets in Metro Manila and Greater Manila Area today.

These two photos taken in a retail outlet in Commonwealth Market yesterday show clear identification of imported rice, local rice and special rice.

What makes these photos more amazing are the very low prices of rice from P27 for NFA rice to P38 of well-milled imported rice and P47 for premium local rice.

Many stalls in Metro Manila until a few days ago displayed rice sold for as high as P65 per kilo which is now sold at only P43 per kilo.

The SRP Program will be launched in simple ceremonies in the Commonwealth Market in Quezon City today.”

Ito ang ilan sa reaksyon ng ating mga kababayan:

Source: Facebook

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think