LOOK: Isa Na Namang Pulis Nakalaboso Matapos Mahuling “Tumitira” Sa Loob Ng Bar Sa BGC

Habang ang karamihan sa ating mga kapulisan ay abala sa pagpapanatili ng kaayusan sa Undas, isang pulis ang nahuli na tumitira ng ipinagbabawal na gamot habang nasa isang bar sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Undas

Habang ang mga tao ay abala sa pagdalaw sa kanilang mga mahal sa buhay sa sementeryo nitong Undas, ang buong pwersa ng kapulisan ay walang pahinga at nanatiling nasa Full Alert status. Ito ay para mabantayan ang kaayusan at kaligtasan ng mga tao na inaasahang dumagsa sa mga sementeryo nitong Undas.

Sila ay hindi maaaring ipagpaliban ang kanilang tungkulin kahit sila ay may mga mahal sa buhay ding dadalawin sa sementeryo. Ito ay isa sa mga sinumpaang tungkulin ng pulis, ang unahin ang kapakanan ng karamihan bago ang kanilang sarili.

Isa Na Namang Salot Sa Kapulisan

Ngunit sa kasamaang palad, hindi pa rin nauubos ang mga tiwaling pulis. Sa isang pahayag ng Philippine Star na kanilang ibinahagi sa Facebook, ang pulis na si PO1 Redentor Bautista ng Manila Police District Station 1 ay nahuli sa loob ng isang bar sa BGC na tumitira ng kokiyn, isang ipinagbabawal na gamot.

Makikita sa video na ibinahagi ng Philippine Star na galit na galit si NCRPO chief Guillermo Eleazar sa kawalanghiyaan ng pulis na si Bautista.

Habang ang kanyang kapwa mga pulis ay naghihirap na magsilbi sa taumbayan, itong si PO1 Bautista ay hindi pumasok sa kanyang duty at nagpasarap sa isang bar sa BGC. At tila hindi pa iyon sapat na pag-insulto sa kanyang uniporme, naisipan pa ng gunggong na pulis na “gumamit” sa loob mismo ng naturang bar kung saan isang Halloween party ang ginaganap.

Sibak Sa Pwesto Pati Hepe

Dahil sa kalokohang ginawa ng pulis na si PO1 Bautista, maging ang hepe ng MPD-1 Anti Crime Unit na si P/C Insp. Manny Israel ay sinibak sa kanyang pwesto dahil sa maling gawain ng kanyang tauhan. Siya ay itinalaga ngayon sa District Admin Holding Office at pinalitan ni Police Inspector Agapito Yadao.

Nakatakdang sampahan ng kaso si PO1 Bautista kaugnay sa paggamit nya ng ipinagbabawal na gamot. Ipinagutos din ni NCRPO Chief Eleazar ang pagsagawa ng random druug testing sa mga pulis sa Station 1.

Ito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens:

Source: Facebook

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think