LOOK: DoTR isiniwalat ang katotohan sa isyung binabato sa Duterte admin kaugnay ng PITX

Ang pagkukumpara, larawang ng lugar bago at matapos itayo ang PITX



Nitong Lunes lamang ay dinaluhan ni Pangulong Rodrigo
Duterte ang inauguration ng kauna-unahang landport sa bansa, ang Parañaque
Integrated Terminal Exchange (PITX).

Sa kabilang ng magandang balitang ito para sa mga Pilipino
ay ang isyung binabato ngayon sa kasalukuyang administrasyon patungkol sa PITX.
Kaya naman, agad na nagbigay ng statement ang Department of Transportation (DoTR)
tungkol dito.

Ang paglilinaw

Ayon sa statement na nilabas ng DoTR ngayong araw ng Martes,
inamin nito na nagsimula ang nasabing proyekto sa administrasyon ni dating
Pangulong Noynoy Aquino kung saan ay nilagdaan ang kasunduan para sa naturang proyekto.
Ngunit, naisulong lamang umano ito sa noong October 17, 2016, isang taon matapos ang
pirmahan.

“Ang mismong pagtatayo ng PITX ay sinimulan noong 21 October
2016, at natapos nitong 17 April 2018 (civil works).”
Ayon sa pahayag ng DoTR.

Sinabi rin nito na puno pa umano ng talahib ang paligid ng
lugar kung saan itatayo ang proyekto at naroon pa rin ang mga informal
settlers.

“Hindi lang ‘yan. Nang busisiin ni DOTr Secretary Arthur
Tugade ang kontrata para sa proyekto, napag-alamang nakasaad dito na kailangang
magbayad ang gobyerno ng PhP 100 million kada taon sa loob ng 35 taon sa MWM
Terminals bilang annual grantor’s fee.”
Ayon pa sa DoTR

Kaya dahil dito ay tinutulan muna ito ni DoTR Secretary Arthur Tugade, sapagkat ayon sa kontrata na nilagdaan sa liderato ni Aquino ay gobyerno pa ang gagastos, samantala, pribadong kumpanya ang magtatayo ng terminal at sila rin ang kikita – haggang ito ay naiayos matapos ang mahabang negosasyon.


Narito ang kabuuang pahayag ng DoTR sa naturang isyu:

PAGLILINAW sa mga isyung ibinabato kaugnay ng PITX

Una sa lahat, batid at hindi itinatanggi ng administrasyong
Duterte na hindi sa liderato nito nagsimula ang proyektong Parañaque Integrated
Terminal Exchange (PITX).

Ang concession agreement para sa proyekto ay nilagdaan noong
24 April 2015, sa ilalim ng nakaraang administrasyon. Gayunman, malinaw ring
inilabas lang ang “Notice to Proceed” para sa proyekto noong 17
October 2016, mahigit isang taon matapos malagdaan ang kasunduan. Ibig sabihin,
mula nang napirmahan ang kasunduan, mahigit isang taong nakatiwangwang ang
proyekto.

Ang mismong pagtatayo ng PITX ay sinimulan noong 21 October
2016, at natapos nitong 17 April 2018 (civil works).

Dinatnan ng kasalukuyang administrasyon ang proyekto na puno
pa ng talahib ang pagtatayuang lugar, at wala ni isang posteng nakatayo.
Mayroon ring ilang informal settlers na naglalagi sa lugar.

Hindi lang ‘yan. Nang busisiin ni DOTr Secretary Arthur
Tugade ang kontrata para sa proyekto, napag-alamang nakasaad dito na kailangang
magbayad ang gobyerno ng PhP 100 million kada taon sa loob ng 35 taon sa MWM
Terminals bilang annual grantor’s fee.

Mariin itong tinutulan ni Secretary Tugade sapagkat lugi ang
gobyerno rito: gobyerno ang may-ari ng lupa, pribadong kumpanya ang magtatayo
ng terminal at siyang kikita mula sa mga negosyong uupa sa pasilidad, pero
gobyerno pa ang magbabayad. Ngunit ‘yan ang nakapaloob sa kasunduang nilagdaan
sa ilalim ng nakaraang administrasyon.

Matapos ang matitinding negosasyon, sa huli’y pumayag ang
MWM Terminals na hindi na pagbayarin ang ating gobyerno nang kabuuang halagang
PhP 3.5 billion na dapat sana’y papasanin ng mga taxpayer nang 35 pang taon.
Bukod diyan, bilang patunay sa kanilang pagtitiwala sa pamahalaan, pumayag pa
ang MWM Terminals na ibahagi sa gobyerno ang 2% share sa kita nito mula sa mga
pauupahang espasyo.

Nang maplantsa na ang mga gusot, kagyat na tinutukan ng
administrasyong Duterte ang pagpapatayo ng PITX. At kahapon, pinasinayaan na
ang kauna-unahang landport sa bansa.

Hindi dapat nilalagyan ng kulay ang mga proyekto ng
gobyerno. Hindi dapat nagtatagisan sa pag-angkin ng mga pampublikong
istruktura. Ang mga proyektong tulad ng PITX ay mula sa katas ng pinagpaguran
ng mga mamamayan.

Ang PITX ay galing at para sa publiko.

President Rodrigo Duterte inaugurates PITX / photo from ABS CBN News






What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think